Friday, July 3, 2015

So I realized I wanted to write something in tagalog.

1. Tangina ba't ba kasi ako nag-Cebu in the first place? Siguro di ganito ka kumplekado ang buhay ko ngayon kung di na 'ko natuloy sa Cebu.

2. Nakakainis talaga ang tadhana. 'Pag andito ako sa amin, eh daming mga pangyayaring namimiss ko sa Cebu. Pero kung nandoon naman ako, eh marami rin akong namimiss dito.

3. Ba't ba kasi ako naniniwala sa karma? 'Yan tuloy, parang subconsciously, nag-eexpect ako na may mangyayaring masama sa relasyon namin... na mahuhulog siya sa iba habang nasa malayo ako.

4. Talagang karma ba yung dahilan o may trust issues pa rin ako?

5. Pramis, gustong-gusto ko na talagang mawala tong mga nakaka-BV na thoughts ko pero 'di ko talaga alam kung paano. Gusto kitang pagkatiwalaan, dahil alam kong wala kang ginagawa para di kita pagkatiwalaan.

6. At sa kabila ng lahat ng ito, parang takot na takot ako dahil lagi kong na-iisip na baka may magawa akong bagay na sobrang nakakasakal... 'gaya nalang ng ibang bagay na nagawa ko na noon. Takot akong madagdagan ang mga kasalanan ko sa'yo. Takot akong bigla mo akong iiwan kahit ilang ulit mo nang sinabi sa'kin na hinding-hindi mo yan gagawin.

7. Nakakainis na bigla ko na lang na-iisip ang ganitong mga bagay-bagay. Nakakapagod.